Ulat na community transmission ng UK at South African variant sa Pilipinas, malabo pa

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pa silang natatanggap na impormasyon mula sa World Health Organization (WHO) na mayroon nang community transmission ng UK at South African variant sa Pilipinas.

Pero ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posible pa rin ito dahil sa naitatalang pagtaas ng bilang ng kaso sa mga nasabing variant.

Nabatid na una na kasing sinabi ng WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na nakikitaan ng community transmission ng UK at South Africa variants ang National Capital Region (NCR) dahil sa pagtaas ng kaso ng sakit.


Sa ngayon, nagpahayag na rin ng pagkabahala ang Malakanyang sa ulat ng community transmission ng nasabing mga variants.

Kaya paalala ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa publiko na magpabakuna na at lalo pang paigtingin ang pagsunod sa health protocols tulad ng maayos na pagsusuot ng face mask, face shields at social distancing.

Facebook Comments