Ulat na diskwalipikasyon sa eleksyon, tinawag na ‘fake news’ ni Senator Leila de Lima

Tinawag na fake news ni Senator Leila de Lima ang mga post na nagsasabi na hindi na siya napabilang sa listahan ng mga kakandidato sa 2022 elections.

Kasunod ito ng mga ulat na nakarating sa senador na ipinakakalat ng bayarang trolls na nagsasabing hindi na siya kwalipikado na tumakbo sa halalan sa 2022 dahil sa kaniyang pagkakakulong.

Hinimok naman senador ang publiko na huwag maniwala sa balita dahil ang konstitusyon lamang ang magdedesisyon ukol dito.


Si De Lima ay hindi pa convicted sa kahit anong criminal offense kaya para dito ay pwede pa siyang tumakbo muli para sa reelection.

Facebook Comments