
Hindi kinumpirma o itinanggi ni Palace Press Officer Claire Castro ang umano’y mga ulat na may naitalaga nanag bagong kalihim sa Presidential Communications Office (PCO).
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nananatili pa ring Acting Secretary ng PCO si Jay Ruiz habang wala pang opisyal na anunsyo mula sa Malacañang.
Wala rin umanong natatanggap na balita si Castro na anumang update kaugnay sa isyu.
Kahapon ay kumalat ang ulat na tinanggap na ng Communications Director ng Philip Morris International na si Dave Gomez ang posisyon bilang bagong PCO Secretary.
Sakaling totoo ang balita, si Gomez ang magiging ikalimang PCO Secretary sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Facebook Comments









