Ulat na may nasawi sa landslide sa Laurel, Batangas, bineberpika pa ng NDRRMC; mga evacuee, nagsisi-uwian na

Nagsisimula nang magsiuwian sa kani-kanilang tahanan ang mga residenteng lumikas dahil sa pananalasa ng bagyong Jolina.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, mula sa 8,000 evacuees ay nasa 6,397 na lamang ang nananatili pa sa mga evacuation center.

Nasira rin ang nasa higit 3,000 kabahayan sa Bicol Region, Western at Eastern Visayas.


Nagpapatuloy naman ang search and rescue operation sa mga nawawalang mangingisda: tatlo sa Biliran, apat sa Masbate at apat sa Marinduque.

Habang bineperipika pa ng ahensya ang ulat na may nadisgrasya sa nangyaring landslide sa Laurel, Batangas.

Samantala, ayon kay Batangas Governor Hermilando Mandanas, sinimulan na nila ang clearing operations sa mga lugar na napinsala ng bagyo.

Sa ngayon, nadadaanan na ulit ang mga kalsada sa lalawigan habang naibalik na rin ang suplay ng kuryente.

Facebook Comments