
Iniimbestigahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat na may underwater structure sa Bajo de Masinloc matapos itong makita sa traditional fishing ground ng magsagawa ng Maritime Domain Awareness (MDA) flight ang Northern Luzon Naval Command.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang mga nakitang structure ay posibleng mga naiwan noon ng China.
Gayunpaman, ayon kay Trinidad, tinatalakay na ng AFP, Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang magiging aksyon nila sa nasabing ulat.
Matatandaan na noong 2016, idineklara na bahagi ng exclusive economic zone ng Maynila ang Bajo de Masinloc. Ang nagdeklara nito ay ang Permanent Court of Arbitration, ngunit hindi ito kinilala ng China.









