Ulat na mayroon ng ikalawang kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19 sa bansa, bina-validate na ng DOH

Bineberipika na ng Department of Health o DOH ang mga ulat na mayroong isa pang pasyente ng Corona Virus Disease 2019 o COVID-19 ang nasawi sa bansa.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ang pasyente na sinasabing pumanaw na ay ang 86-anyos na American national na residente ng Marikina City at na-admit sa The Medical City sa Pasig.

Ang naturang pasyente ay mayroon ding pre-existing hypertension at may history ng pagbiyahe sa United States at South Korea.


Base sa natanggap na report ng DOH, pumanaw ang pasyente kaninang umaga pero pinapa-validate pa nila ito.

Inaasahan na ilalabas ang resulta ng pagsusuri sa nasawi na pasyente ngayong hapon.

Sakaling kumpirmado, ito na ang ikalawang namatay dahil sa COVID-19 sa pilipinas.

Naitala ang unang fatality noong February 1, 2020 sa isang Chinese national na lalaki.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa 24 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments