Ulat na naaksidente si Sharon Cuneta, fake news ayon sa aktres

Nilinaw ng aktres na si Sharon Cuneta na walang katotohanan ang balitang naaksidente siya habang nasa Amerika.

Sa Instagram account ni Sharon ngayong araw, isang video ang ibinahagi nito kung saan ikinuwento niya na nag-panic ang kanyang team matapos marinig ang balitang naaksidente sila.

Giit ni Sharon, walang dapat ipag-alala at maayos ang kanilang kalagayan.


Nabatid na nitong nakaraang buwan, itinama rin ni Cuneta ang balitang sinasaktan siya ng mister na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan kaya siya lumipad patungong Amerika.

Paglilinaw kasi ng aktres, lumipad siya patungong Amerika matapos siyang magkaroon ng depresyon nang hindi matuloy ang pagiging parte niya sa all-Filipino cast na pelikula ni Jo Koy sa Hollywood na ipo-produce mismo ng sikat na si Steven Spielberg.

Facebook Comments