Ulat na nabiktima ng data breach ang Korte Suprema, kinukumpirma pa

Isinailim na sa validation ang umano’y naitalang data breach sa Korte Suprema.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, nakarating na sa kanila ang isang social media post na nagsabing nabiktima umano ng data breach ang SC.

Kaugnay nito, tiniyak ni Atty. Ting na malakas ang cybersecurity ng SC.


Siniguro rin ng tagapagsalita ng SC na hindi napakialaman ang mga proseso kabilang na ang para sa Bar Exams.

Napaulat ang hacking sa harap ng digitalization ng proseso ng paghahain ng mga civil cases sa korte.

Facebook Comments