Nilinaw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi incumbent barangay chairwoman ang tinaguriang “drug queen” na si Guia Gomez Castro.
Si Castro ay sinasabing kasabwat ng mga “ninja cops” na nagre-recycle ng mga iligal na droga.
Ayon kay NCRPO Police Major General Guillermo Eleazar – bagamat nahalal na kapitan ng Barangay 484 sa Sampaloc, Maynila noong 2018 hindi ito nakapanumpa.
Sa ngayon, kinukumpirma na rin ng NCRPO ang ulat na nagtatago sa ibang bansa ang drug queen.
Nauna nang sinabi ni Eleazar na nasa 16 na pulis ang konektado sa drug activities ni Castro pero wala na sa serbisyo ang mga ito.
Kasabay nito, ipinagtanggol din ni Eleazar si PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde kasunod ng mga ulat na ito ang ulo ng mga “ninja cops”.