Ulat na nagtatapon ng mga dumi ang mga barko ng China sa WPS, dapat na patunayan sa lalong madaling panahon

Hinimok ng US-based geospatial analyst at satellite image provider na Simularity ang gobyerno ng Pilipinas na patunayan ang mga ulat nito na nagtatapon ng mga dumi ng tao ang mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Simularity founder and CEO Liz Derr sa forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), kailangang malaman sa lalong madaling panahon kung totoo ang mga ulat dahil magiging malaki ang epekto nito sa mga likas na yaman sa karagatan.

Bagama’t nilinaw naman ni Derr na hindi siya isang diplomat, mahalaga pa ring malutas ang posibleng problema nang hindi na hinahaluan ng international incident.


Sa ngayon, pagkumpirma pa ni Derr na posibleng hindi lamang sa WPS nagtatapon ng mga dumi ang China kundi pati na rin sa ilang isla tulad ng Union Banks Reef o Pagkakaisa Banks.

Kasunod ito ng ulat na aabot sa 236 ng barko ang nasa Union Banks nitong Hunyo maliban pa sa ilang barko na nakita sa Spratlys, Gaven o Thitu.

Facebook Comments