Ulat na nasuspinde si Sec. Herbosa sa tungkulin, pinabulaanan ng DOH

Nanatili pa rin bilang kalihim ng Department of Health si Secretary Teodoro Herbosa.

Paglilinaw ito ng ahensya sa kabila ng mga kumakalat na ulat na umano’y pinatawan ng preventive suspension ang kalihim.

Sa ipinadalang impormasyon ni DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, sinabi nitong walang katotohanan ang mga balita at patuloy na ginagampanan ni Herbosa ang kanyang tungkulin.

Katunayan, dumalo si Herbosa kahapon sa pagdinig sa House of Representatives, kasama ang ilang mataas na opisyal ng DOH, upang magbigay ng briefing hinggil sa mga pangunahing prayoridad ng administrasyon para sa public health budget.

Ibinahagi pa ni Domingo ang ilang larawan ni Herbosa na kuha sa Kamara, kasama ang mga mambabatas at opisyal ng DOH, bilang patunay na patuloy itong nakikibahagi sa mga mahahalagang talakayan para sa sektor ng kalusugan.

Facebook Comments