Iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mali ang umano’y ulat na nawawala ang 15 bilyong pisong pondo na gagamitin sa paglaban ng bansa kontra COVID-19.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Baleña, napunta ito sa mga hospitals at partner company ng PhilHealth kung saan tinatayang aabot sa 711 ang bilang sa buong bansa.
Wala rin aniyang nagka-interes sa pondo dahil nananatili itong nasa pag-iingat ng ahensiya at inilalayo sa anumang banta ng korapsyon.
Sa ngayon, paliwanag ni Baleña nasa 13.8 bilyong piso o katumbas ng 92 percent ng pondo ang na-liquidate na at nakatakdang isapubliko sa susunod na buwan.
Facebook Comments