Ulat na pagtatapon ng China ng basura sa WPS, inaalam na ng Malacañang

Tiniyak ng Malacañang ang aksyong isasagawa oras na mapatunayang nagtatapon ng mga basura ang China sa West Philippine Sea (WPS) na parte ng Exclusive Economic Zone (EEZ) Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, agad nila itong ibabalik sa pinagmulang bansa dahil kahit minsan ay hindi pumayag si Pangulong Duterte na maging tapunan ng mga basura ng ibang bansa ang Pilipinas.

Muli namang ipinaalala ni Roque ang naging utos noong 2019 ng pangulo na ibalik sa Canada ang mga nadiskubreng ‘industrial and household wastes’ na ipinadala sa Pilipinas.


Samantala, kasabay nito pumalag na rin ang Malacañang sa tila paghahamon ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Duterte na magpakita ng tapang sa pahayag ng China na basurang papel lang ang panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Netherlands noong 2016.

Banat kasi ni Roque kay Robredo, anong tapang ang nais nitong ipakita ni Pangulong Duterte.

Nanindigan naman ang kalihim na hindi maituturing na basurang papel lang ang desisyon ng PCA bilang tugon sa naging pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Zhao Lijian.

Facebook Comments