Ulat na pinagsabihan umano ng hari ng Thailand si PRRD na mag-behave, tinawag na fake news

Manila, Philippines – Tinawag na fake news ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang kumalat sa social media na isang artikulo ng Bangkok post na pinagsabihan ng hari ng Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-behave.

Sa isang maikling video ni PCOO Secretary Martin Andanar – ipinakita nito sa media ang orihinal na dyaryo ng Bangkok post na inedit at pinalitan ng maling headlines.

Aniya, malinaw na ang nakasulat na orihinal na artikulo ay tungkol sa “Five Generation Cellphone” kaya fake news ang inilabas.

Giit ni Andanar, mabigat ang parusa laban sa mga taong gumagamit sa pangalan ng hari ng Thailand kung saan pwede silang makulong ng 15 taon.

Facebook Comments