Ulat na ‘secret candidate’ ng administrasyong Duterte si Manila Mayor Isko Moreno, fake news!

Mariing itinanggi ni Aksyon Demokratiko at kasalukuyang Manila Mayor Isko Moreno na isa siyang secret candidate ng administrasyong Durterte.

Ito ay matapos kumalat ang isang balita na ipinadala ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kaniyang chief of staff na si Gelo Villar para tulungan ang alkalde sa kaniyang presidential bid.

Pero giit ni Moreno, ito ay halatang fake news lamang at pagsasayang lamang din daw ang oras kung papatulan pa ang mga ganitong klaseng balita.


Kaugnay nito, itinanggi rin ni Villar na lumipat na siya ng kampo ni Moreno.

Kasabay nito, pinasinungalingan din ng alkalde na isang decoy candidate lamang ang kaniyang running mate na sin Dr. Willie Ong.

Samantala, nabatid na sa Oktubre 4 inaasahang magsusumite ng certificate of candidacy si Moreno at Ong para sa posisyon ng pagkapangulo at bise-pangulo.

Facebook Comments