Ulat na si PRRD ang nasa likod ng pagpapasara sa ABS-CBN, pinalagan ng PCOO

Pumalag si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa ulat ng ilang international media na si pangulong rodrigo duterte ang nasa likod ng pagpapasara sa ABS-CBN.

Ayon kay Andanar, mali at walang katotohanan ang mga paratang ng international media.

Masyado rin aniyang malisyoso at hindi patas ang mga paratang dahil malinaw na ang National Telecommunications Commission (NTC) at ang Kongreso ang may saklaw sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN.


Hindi rin aniya usapin sa press freedom ang tungkol sa ABS-CBN franchise kundi usapin ito sa legislative franchise.

Samantala, sinabi ni Senator Grace Poe na tila kahina-hinala at hindi napapanahon ang pagpapasara sa ABS-CBN.

Posible kasi aniyang ginagamit lang ito ng sinuman para maisakatuparan ang kanilang intensiyon tulad na lang sa nangyari noong 1972 sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Problema rin aniya ang kawalan ng trabaho hindi lamang sa empleyado ng kumpanya, kundi pati na rin sa iba pang industriyang nakikinabang sa operasyon nito.

Facebook Comments