Inatasan na ni Department of National Defense (DND) Chief Delfin Lorenzana ang militar na imbestigahan ang ulat na daan-daang barko ng Tsina ang nagtatapon ng dumi ng tao sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Lorenzana, kung totoo man, ikinokonsidera nila itong isang “irresponsible act” na labis na nakasasama sa marine ecology.
Giit niya, dapat na maging responsable ang lahat ng mga bansa sa kabila ng kani-kanilang mga claims at interes sa teritoryo.
Una rito, sinabi ni Lorenzana na walang katotohanan ang ulat na ginagawang basurahan ng Tsina ang West Philippine Sea dahil ang kumakalat na larawan ay hindi umano sa WPS kundi sa Great Barrier Reef sa Australia.
Facebook Comments