Ulat ng DOLE, inalmahan ng isang labor group

Manila, Philippines – Inalmahan ng ilang labor group ang naging pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na halos kalahating milyong mga manggagawa ang na-regular ngayong taon.

Ayon sa kilusang Mayo uno, walang katotohanan at malayo sa realidad ang sinasabi ng dole na mas gumanda ang kalagayan ng mga manggagawa sa panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ng KMU, bagamat maganda na may regularization order ang DOLE sa mga kumpanya, wala naman itong pangil at sa katunayan anila ay sinusuway pa ito ng mga malalaking kumpanya.


Inahalimbawa nila dito ang Jollibee Foods Corp na inutusang i-regular ang mahigit 6,000 nitong manggagawa at PLDT na i-regular ang mahigit 7,000 nitong mga manggagawa,

Ayon pa sa KMU, bago matapos ang 2018, marami pa rin ang mga kontrakwal at mga kumpanya na namamantala ng kanilang mga manggagawa para kumita.

Samantala, binatikos din ng mga manggagawa ng multinational banana company na Sumifru Phils Corp. si Bello dahil sa kabiguan nito na ipatupad ang desisyon ng Korte Suprema na regularisasyon sa mga manggagawa nito.

Facebook Comments