Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na “hindi kumpleto at mapanlinlang” ang inilabas na report ng German journalist na si Arnd Herze Ukol.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, nakakalungkot at naging biased ang representation ng video na pinost ni Herze kung saan isa siya sa mga na-interview nito.
Dagdag pa ni Locsin, bigong ipakita ang tangka ng dayuhang mamamahayag na hamunin siya na magbigay ng kontrobersyal na pahayag.
Ang tinutukoy ng ahensya ay ang pahayag ni Herze na sinita ng Federal Foreign Office of Germany ang acting Philippine Ambassador kaugnay ng pagtatanggol ni Locsin sa unang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikinukumpara nito ang sarili kay Adolf Hitler.
Ang pagpabor ng kalihim sa Hitler statement ni Duterte ay inilabas sa website sa Germany.
Matatandaan na noong September 2016 ay sinabi ni Pangulong Duterte na minasaker ni Hitler ang 3 milyong Hudyo, mayroon anyang 3 milyong adik sa bansa kaya magiging masaya siyang patayin ang mga ito.