Nanindigan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na pinoprotektahan nito ang karapatan ng mga manggagawa.
Ito ay sa kabila ng report ng International Trade Union Confederation (ITUC) na aabot sa 43 kaso ng labor leaders ang pinatay sa bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – walang basehan ang report ng ITUC at wala silang ebidensyang magpapatunay na may nangyayaring pagpatay sa mga labor leaders.
Ani Bello, isa lamang ‘imaginary’ at ‘illusionary’ ang report o bahagi ng black propaganda.
Sa datos ng gobyerno, aabot lamang sa 60 labor officers at members ang namatay mula 2003 hanggang 2016, pero sa Duterte administration, ay nasa apat lamang nasawi at nag-iisa ang kaso ng frustrated homicide.
Facebook Comments