Ulat ng katiwalian ng 2 myembro ng Gabinete, alam na ni Pangulong Duterte

Nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat ng Presidential Anti- Corruption Commission (PACC) na may dalawang myembro ng gabinete ang dawit sa korapsyon.

Ayon sa Pangulo sa ngayon, hindi pa nya nababasa ng buo ang naturang imbestigasyon ng PACC.

Hindi rin muna tinukoy ng pangulo kung sinu-sino ang mga ito.


Paliwanag ng Punong Ehekutibo, nais muna nyang araling maigi at basahing maigi ang report ukol dito ng PACC.

Una nang sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na bahala na ang Pangulong Duterte ang mag- anunsyo kung sino ang dalawang cabinet members na kanilang nakitaan na may kinalaman sa katiwalian matapos ang ilang buwang imbestigasyon.

Bukod dito ay una na ring sinabi ni Belgica na may USEC at ASEC din silang sinisiyasat na may kinalaman na

Facebook Comments