Hindi isasantabi ng Pamahalaan ang napabalitang gusto ng ISIS na lumipat sa Pilipinas at gawin nilang base camp ang bansa.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, isa itong malaking bagay at hindi dapat ipag-kibitbalikat ng Pamahalaan at kailangang gawan ng nararapat na aksyon.
Ang Department of National Defense aniya ang mayroong obligasyon na tiyakin ang seguridad ng bayan at ito ang dapat na maglatag ng mga nararapat na hakbang para tugunan ang nasabing balita.
Inihayag ni Panelo na makikipagugnayan siya sa DND upang alamin kung mayroon nga silang namonitor na ganitong ulat mula sa ibang bansa.
Facebook Comments