Ulat ng OCTA Research Team hinggil sa muling pagsirit ng COVID-19 cases dahil sa pagluwag ng restrictions sa mga pampublikong transportasyon, binara ng Palasyo

Hindi sang-ayon ang Palasyo sa naging report ng OCTA Research Group na nagsasabing kapag niluwagan ang restrictions sa mga pampublikong transportasyon ngayong buwan ay tiyak na sisirit muli ang panibagong kaso ng COVID-19 sa susunod na dalawang linggo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hangga’t nasusunod ang 7 commandments sa mga pampublikong transportasyon ay kumpyansa ang pamahalaan na hindi kakalat ang virus.

Kabilang sa 7 commandments ay ang pagsusuot ng face mask, face shield, bawal ang pagsasalita at pagkain, pagkakaroon ng proper ventillation, madalas na disinfection, bawal ang symptomatic passengers at sumunod sa tamang distancing.


Kamakailan, matatandaang pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang one seat apart na distansya sa kapwa pasahero mula sa dating 1 metrong distansya.

Paliwanag ni Roque, kasabay nang unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ay dapat mayroong masasakyan ang publiko para sila ay makapaghanapbuhay.

Facebook Comments