Ulat ng PACC at initial findings ng Senado kaugnay ng Philhealth anomaly, hawak na ng Task Force PhilHealth

Natanggap na ng Task Force PhilHealth ang ulat ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Governance Commission for GOCCs (GCG) sa sinasabing talamak na korapsyon sa PhilHealth.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra na siyang nangunguna sa imbestigasyon, bukod sa report ng PACC at GCG, nagbahagi na rin ang Senado ng resulta sa kanilang initial findings sa mga ginawa nitong pagdinig sa nasabing anomalya.

Sinabi ng Kalihim na gagamitin ang naturang mga impormasyon sa paghahain ng legal action o sa magiging basehan ng rekomendasyon ng task force kay Pangulong Rodrigo Duterte kabilang na dito ang posibleng pagkakaroon ng re-organization sa PhilHealth.


Una na ring nakipagpulong ang binuong Task Force PhilHealth sa ilang mga resource persons na may impormasyon sa sinasabing talamak na korapsyon sa PhilHealth.

Facebook Comments