Ulat ng UNICEF na isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakatinamaan ng tigdas, iginagalang ng DOH

Manila, Philippines – Tanggap ng Department of Health (DOH) ang report ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) na isa ang Pilipinas sa mga bansang lubhang tinamaan ng tigdas.

Pero ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ginagawa naman lahat ng pamahalaan ang kanilang makakaya para mabakunahan ang lahat ng mga bata.

Nasa 12-milyong indibidwal ang target na mabakunahan ng DOH ngayong taon.


Sa pinakahuling data ng DOH lumobo na sa 215 ang namatay dahil pa rin sa tigdas outbreak sa bansa.

Facebook Comments