Ultimate seat sale, handog ng Philippine Airlines sa mga biyahero

316
Image via skytrax.com

Magandang balita ulit para sa mga kababayan natin mahilig maglibot.

Inilunsad ng Philippine Airlines ang kanilang bagong promo na “ultimate seat sale” nitong Miyerkules ng umaga.


Ibinida din ng naturang airline company na three million seats ang handog nila sa mga biyahero.

Ayon sa promo mechanics, puwedeng mag-book ng one-way domestic flight ticket mula P69 pataas habang $69 o mahigit P2,999 para sa international destination.

Para naman sa roundtrip business class trip, $299 o P14,999 ang base fare promo ng international flights at P4,059 sa mga domestic flights.

Nagsimula ang booking period ng base fare promo kaninang alas-12:01 ng madaling araw at tatagal hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Martes, Setyembre 3 ng kasalukuyang taon.

Ang travel period ay mula Setyembre 1, 2019 hanggang Hunyo 30, 2020.

Noong Hunyo, pinarangalan ng research firm na Skytrax ang sikat na flag carrier bilang most improved air transport services sa buong mundo.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang official website at social media accounts ng Philippine Airlines.

Facebook Comments

From Advertisers