Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Cairo na pinalawig ng Pamahalaan ng Egypt ang deadline nito sa mga dayuhan na iligal na naninirahan doon.
Ayon sa embahada, pinalawig ng tatlong buwan ng Egyptian government ang ultimatum nito sa mga dayuhan na iligal na naninirahan doon para ayusin ang kanilang residency status.
Mula sa December 15, 2023 deadline ay pinalawig ito ng March 15, 2024.
Bunga nito, pinapayuhan ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy na iligal na naninirahan sa Egypt na ayusin na ang kanilang mga dokumento.
Ayon sa Philippine Embassy, dapat ding tiyakin ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Egypt na nasa kanilang pag-iingat ang kanilang passport at huwag hahayaan na kunin ang kanilang employers o sponsor ang kanilang pasaporte.
Facebook Comments