Ultimatum sa paglilinis sa Metro Manila, ginawa na lang 45 days ng DILG

Binawasan pa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 60 araw na ultimatum ng Metro Manila mayors sa paglilinis ng kanilang lungsod.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III – mula 60 araw, ginawa na lang itong 45 araw.

Pero aniya, posible pa itong mabawasan sa Lunes hangga’t hindi naisasapinal.


Target na mailabas ang memorandum circular ukol dito sa susunod na linggo.

Sakaling mabigo ang mga alkalde, irerekomenda umano ng DILG ang pagsuspinde sa kanila sa tungkulin.

Facebook Comments