Umaabot Na Sa 18 Ang Bilang Ng Mga Namatay Sa Pag-Ulan At Pagbaha Sa Mindanao At Visayas

18

Umabot na sa 18 ang bilang ng namatay sa pag-ulan at pagbaha saMindanao at ilang bahagi ng Visayas.Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, pinaka-marami ang naitalang casualty sa Zamboanga Del Norte na siyam (9) ; tig-tatlo (3) sa Cagayan De Oro City at Misamis Oriental; tig-isa (1) sa Bukidnon, Cebu at Misamis Occidental.Limang (5) ang nawawala at tatlo (3) ang nasugatan.Aminado si Marasigan na karamihan sa mga biktima ay hindi inasahan ang matinding epekto ng malakas na ulan kahit walang bagyo.

Facebook Comments