Albay – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang naaagnas na sa loob ng bahay nito sa Barangay Sipi, Daraga, Albay.
Kinilala ng pulisya ang lalaki na si Jeffrey Borja.
Sa ulat, nakita ng kaniyang pinsan na si Miguel lansa ang bangkay ng biktima kaya at agad itong tumawag sa mga otoridad.
Nabatid na madalas uminom ng alak si Borja kahit na may sakit ito kung saan hinala ng pulisya na posibleng ito na ang kaniyang ikinamatay.
Napag-alaman pa sa ilang residente na ang bangkay ni Borja rin ang ilang araw nang nangangalingasaw sa kanilang lugar.
Facebook Comments