Aaksyunan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang umaapaw na umanong septic tank ng isang day care center sa lungsod.
Ani ng guro sa nasabing day care center, puno na umano ang nasabing septic tank kaya umaapaw na ang dumi kapag nag-flush sa kanilang inidoro na nagdudulot ng di kaaya-ayang amoy.
Ininspeksyon at pinuntahan ito ng alkalde ng lungsod upang tignan ang maaaring aksyon sa nasabing septic tank.
Maaari umano itong maging delikado sa kalusugan ng mga bata kung kaya’t dapat na itong maisaayos.
Tiniyak naman nito na mayroon ng pondo para sa pagsasaayos ng septic tank at hindi dapat nakalagay sa loob day care center. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









