Manila, Philippines – Umaray agad ang mga pasahero ng jeepney sa provisional one-peso increase sa minimum na pamasahe sa unang apat na kilometro sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog.
Bagamat hindi pa magkakabisa ngayong araw ang nueve pesos na dagdag pasahe mula sa dating otso pesos dahil kailangan pang mailabas ang kopya ng desisyon, tutol na agad dito ang mga commuters.
Ayon kay PJ Balatbat, hindi maganda ang timing ng fare increase dahil hindi na sila makaagapay sa nagsisipagtaasang mga presyo ng bilihin at pangunahing serbisyo.
Aniya, dagdag pasanin na naman ito sa ordinaryong mamamayan lalupa’t wala namang adjustment sa suweldo.
Ayon naman kay Beng Santos, apat ang anak niya na pumapasok sa eskuwela.
Ngayon ay magdaragdag na naman siya sa budget sa pasahe ng mga anak kaya mababawasan ang baon ng mga ito na para sana sa pambili ng pagkain.