UMAASA | Budget proposal sa Mindanao para sa 2019, pinadadagdagan

Isinumite na ng House Committee on Mindanao Affairs sa Department of Budget and Management (DBM) ang budget proposal ng Mindanao para sa taong 2019.

Bago ang ikatlong State of the Nation Address o SONA ng Pangulo sa July 23, umaasa ang komite na maikukunsidera ang kanilang hiling na budget sa susunod na taon bago pa man maging ganap na batas ang Bangsamoro Basic Law.

Inaasahan na isusumite ng Malakanyang ang 2019 budget bago ang SONA ng Presidente.


Ayon kay Mindanao Affairs Committee Chairman Maximo Rodriguez, umaapela sila na gawing 20% o P1.25 Trillion ng pambansang pondo ang alokasyon para sa Mindanao.

Aniya, 16.2% lamang ang inilaan na pondo sa Mindanao ngayong 2018 o P608 Billion habang sa loob naman ng apat na taon mula 2014 hanggang 2017 ay nasa 12.8% lamang ng national budget ang ibinibigay sa Mindanao.

Umaasa ang komite na ibibigay ang hiling na budget lalo pa’t pinakamataas ng poverty incidence ng Pilipinas ay nasa Mindanao na nasa 40%.

Facebook Comments