Manila, Philippines – Kailangan lamang ng maayos na paliwanag at edukasyon sa publiko, kaugnay sa Federalismo.
Ito ang sinabi ni former Chief Justice Reynato Puno, na siyang tumatayong Chairman sa pagre-review ng 1987 Philippine Constitution.
Ayon kay Puno, kapag natapos na nila ang draft ng constitution para sa Federal Government System, at kapag naiprisenta na nila ito sa taumbayan, umaasa siya na malilinawan ang mga Pilipino lalo at para naman ito sa mas pina-igting na karapatan ng mga mamamayan.
Sanabi pa ni Puno, na ang ginagawa naman nilang pagsusulong ng pederalismo ay para mapagtibay ang gobyerno at para sa interest ng taumbayan.
Sa pagpapatuloy ng sesyon kanina sa pagaamyenda ng 1987 Philippine Constitution, pinaburan ng mga miyembro ng ConCom ang propose Preamble at provision on Registration of Political Parties