UMAASA | Donasyon ng helicopters sa Pinas sana’y matuloy

594

Jordan – Umaasa si Philippine Ambassador to the Kingdom of Jordan Akmad Atlah Sakkam na magkakatotoo ang naririnig niyang usapan mayroong ido-donate na helicopters ang Jordan sa Pilipinas.

Ayon kay Sakkam, ito ay isang bagay na ang matataas na opisyal ng pamahalaan ang siyang makapagsusulong.

Pero umaasa aniya siya na magkakatotoo ito at magkaroon pa ng mas malalim na pagtutulungan ang dalawang bansa sa larangan ng defense and security.

Paliwanag ni Sakkam, mahalaga ang pagkakaroon ng mas matibay na defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Jordan dahil sa patuloy na kumakalat at kalaban ng buong mundo na radicalism at extremism.

Facebook Comments