Manila, Philippines – Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang sa pagtatapos ng Ramadan at sa kanilang commitment sa paglilinis ng sarili at tagumpay.
Kaisa aniya siya sa pagpuri kay Allah at pagpapasalamat sa pagbigay nito sa bansa ng lakas para malampasan ang mga pagsubok ng mga hindi tamang idolohiya, terorismo at violent extremism.
Naniniwala aniya siya na ang sakripisyo ng mga kapatid nating Muslim sa isang buwang pagaayuno at nagpatibay pa sa kanilang pananampalataya at magalab ang pagmamalasakit ang pagmamahal sa kapwa.
Isa din aniya itong magandang pagkakataon para isulong ang pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa buong bansa lalo na sa Mindanao.
Umaasa din si Pangulong Duterte na sanay maging inspirasyon ang pagdiriwang na ito ng Eid’l Fitr para magbuklod ang lahat magkakaiba man ang paniniwala at kultura, hikayatin din aniya sana ng lahat ang isat-isa na isulong ang pagkakaroon ng mas magandang hinaharap.
Umaasa din ang Pangulo na manaig ang pagkakaintindihan at pagmamahalan sa buong bansa at magkaisa ang lahat para sa tunay na pagbabago ng Pilipinas para sa mga Pilipino.