UMAASA | Imahe ng Hudikatura, gaganda ngayong taon – CJ Sereno

Manila Philippines – Umaasa si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mag-i-improve ang imahe ng Hudikatura ngayong taon.

Sa harap ito ng pagkuwestiyon sa kanyang integridad kung saan umabot ito sa pagsasampa ng impeachment case laban sa kanya.

Una nang hinimok ni Sereno ang mga empleyado at mga opisyal ng Hudikatura na maging mensahero ng mga reporma na naipatupad ng Korte Suprema.


Umaasa din si Sereno sa pagsabay sa pagbabago ng iba pang miyembro ng justice system, kabilang na ang mga piskal, defense lawyers at maging ang Integrated Bar of the Philippines.

Facebook Comments