UMAASA | Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, ibinasura ang kasunduan sa UN refugee council ukol sa pag-relocate ng libu-libong African migrants

Israel – Ibinasura ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kasunduan nito sa United Nations High Commissioner for Refugee (UNHCR) ukol sa pag-relocate ng libu-libong African migrants.

Aabot sa 37,000 migrant ang nasa Israel kung saan karamihan ay galing Eritrea at Sudan.

Ginawa ni Netanyahu ang hakbang matapos makita ang sitwasyon ng Tel Aviv kung saan naninirahan ang pinakamalaking migrant community.


Umaasa naman ang UNHCR na maikonsidera muli ng Israel ang desisyon.

Nabatid na nagkasundo ang Israel at UNHCR na ilipat ang higit 16,000 migrants sa Western countries.

Facebook Comments