UMAASA | Kampo ni VP Robredo, umaasang maibabalik ang ₱100-M bugdet na tinapyas sa OVP

Manila, Philippines – Umaasa ang kampo ni Vice President Leni Robredo na isusulong ng bicameral panel ang pagbabalik ng 2019 budget para sa Office of the Vice President (OVP).

Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo – tinutukoy nila ay ang proposed ₱100 million budget para sa OVP sa susunod na taon.

Una nang sinabi ni Robredo na tinapyasan ang kanilang budget sa 100 milyong piso para sa susunod na taon, hindi tulad sa budget nila nitong 2018 na aabot sa ₱543 million na inaprubahan ng Kamara.


Ang Senado ay inaprubahan ang ₱547 million budget ng OVP para sa susunod na taon.

Gayumpaman, bigong maipasa ng Kongreso ngayong taon ang ₱3.757 trillion national budget para sa 2019.

Facebook Comments