UMAASA | Malacañang, tiwalang ibabalik ng Tulfo brothers ang 60 million pesos ad placement ng DOT

Manila, Philippines – Umaasa ang Malacañang na tutuparin ng Tulfo brothers ang pangako nitong ibabalik nila ang 60 million pesos na binayad Ng Department of Tourism para sa TV advertising placement.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiwala sila na isasauli nina Ben at Erwin Tulfo ang pera.

Lalo at sinabi aniya ng magkapatid na boluntaryo nilang ibabalik ang pera sa DOT.


Dagdag pa ni Roque, ipinag-utos na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na imbestigahan ang advertising contract sa pagitan ng PTV4 at ng DOT.

Nasa Ombudsman na ang desisyon sa magiging kapalaran ng magkapatid na Tulfo at sa nagbitiw na si dating Tourism Secretary Wanda Teo.

Facebook Comments