UMAASA | Malacañang, umaasang ipatutupad ni Omb. Martires ang dismissal order laban kay Carandang

Manila, Philippines – Umaasa ang Malacañang na ipatutupad ni bagong Ombudsman Samuel Martires ang dismissal order laban kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang utos ng Office of the President ay “immediately executory” kung saan nais ng palasyo na tutuparin ni Martires ang naturang dismissal order sa oras na magsimula na siya sa trabaho.

Nabatid na ang pagsibak ng Malacañang kay Carandang ay dahil sa pagsasapubliko nito ng umano ay kwestyonableng yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang pamilya.


Iginiit naman ni Roque na tsismis lamang ang alegasyon na itinaon ang paglabas ng utos laban kay Carandang sa pagreretiro ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Si Morales ay tuluyan nang umalis sa Ombudsman noong July 26, 2018, at nailabas ang dismissal order kontra kay Carandang noong July 30, 2018.

Matatandaan na una nang tumanggi noon si Morales na ipatupad ang 90-day suspension na ipinataw ng Office of the President laban kay Carandang dahil hindi daw saklaw ng palasyo ang Office of the Ombudsman.

Facebook Comments