UMAASA | Pagsailalim ng Philhealth sa comprehensive financial check-up, iginiit ni Senator Angara

Manila, Philippines – Pinapasailalim ni Senator Sonny Angara sa isang comprehensive financial check-up” ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth para madetermina kung maayos pa rin estadong pinansyal nito.

Umaasa si Angara na ipaprayoridad ni bagong Philhealth President Dr. Roy Ferrer ang mga isyu na banta sa katatagan ng pondo ng ahensya.

Ang pahayag ni Angara ay sa gitnang alegasyong paglustay umano sa pondo ng Philhealth sa luho at byahe ng dati nitong pinuno, overpayment sa claims at ang alegasyong diversion ng 10.6 billion pesos na alokasyon para sa senior citizens.


DIIN ni Angara, dapat matiyak na hindi mawawaldas ang pondo ng Philhealth na nakalaan sa mga senior citizens at pangangailangang medikal ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap.

Ayon kay Angara, kalusugan ng bawat Pilipino ang nakataya sa oras na bumagsak ang pondo ng Philhealth.

Facebook Comments