Manila, Philippines – Umaasa si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hindi maaantala ang pagpasa sa panukalang 2019 national budget.
Pahayag ito ni Recto makaraang suspendehin ng Kamara ang budget deliberations.
Ayon kay Recto, mayroon na lamang mahigit apat na buwan para tutukan nila ang pambansang budget dahil kung hindi ay mapipilitan ang gobyerno na gumalaw sa ilalim ng re-enacted budget sa susunod na taon.
Ipinaliwanag ni Recto na kapag nangyari ito ay maaapektuhan ang expenditure program na nakaprogramang paggastos ng pamahalaan sa 2019 na naglalayong mapag-ibayo ang mga proyektong pang-imprastraktura at social services.
Facebook Comments