UMAASA | PhilHealth, umaasang hindi puputulin ng mga pribadong ospital ang kanilang accreditation

Manila, Philippines – Umaasa ang PhilHealth na hindi hahantong sa hiwalayan ang paniningil sa kanila nng private Hospitals Association of the Philippines (PHAPHI) ang kanilang accreditation.

Ito ay sa kabila ng mga banta ng samahan ng mga pribadong ospital na puputulin nila ang kanilang accreditation sa PhilHealth kung hindi ito makakabayad ng mga utang sa kanila.

Ayon kay PhilHealth Vice President Director Israel Paragas, hindi magagamit ng mga pasyente ang kanilang benepisyo mula sa PhilHealth para makadiskwento sa kanilang hospital bills.


Giit ni Paragas, sinusuri na nila ang records para maberipika ang sinisingil ng mga private hospitals kung saan ang iba ay bayad na habang ang iba ay na-denied at na-delay ang pagbabayad.

Bukas naman ang magkabilang panig sa pag-uusap para maberipika ang mga hindi magkatugmang claims.

Tiniyak naman ng samahan ng mga pribadong ospital na magbibigay serbisyo pa rin sila sa PhilHealth members.

Facebook Comments