Manila, Philippines – Umaasa ang Pilipinas na higit na mapalakas ang relasyon nito sa Russian Federation sa dalawang araw na pagbisita sa Moscow ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Sinabi ni Secretary Cayetano, ang working visit sa Russia ay bilang bahagi ng mga pagsisikap na bumuo ng mas malakas at kapaki-pakinabang na relasyon sa mga Ruso.
Ang pagbisita ay alinsunod sa pangako ni Pangulong Duterte na isang independent foreign policy na nakasentro sa mga pangangailangan at aspirasyon ng Pilipino.
Kabilang sa mga aktibidad na nakalinya sa pagbisita ni Secretary Cayetano sa Russia ay ang bilateral talks kay Foreign Minister Lavrov, speaking engagement sa mga diplomats, akademya at estudyante sa Moscow State Institute of International Relations, at isang pulong sa mga miyembro ng Filipino community.
Ang two-day working visit ay ikalawang pagkakataon na naglakbay ang kalihim sa Russia.
Ang una ay ang landmark visit kasama si pangulong Rodrigo Duterte nuong Mayo.