UMAASA | Sen. Aquino, umaasang hindi sa pulitika sesentro ang talumpati ni PRRD

Manila, Philippines – Umaasa si Senator Bam Aquino na hindi usapin sa pulitika ang lalamanin ng nakatakdang address to the nation ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang alas-tres ng hapon.

Ayon kay Aquino, sana ay tutukan ng Pangulo ang mga tunay na isyu sa bansa, imbis na pulitika.

Partikular na tinukoy ni Aquino ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin, krisis sa bigas at pagkain at ang parating na bagyong Neneng.


Ikinatwiran ni Aquino na hindi makakatulong ang pamumulitika sa problema ng bansa at ng mamamayang Pilipino.

Giit ni Aquino, makabubuting magkaisa na lang tayo sa paghanap at paggawa ng solusyon.

Facebook Comments