UMAASA | Sen. Lacson, umaasang hindi makakaapekto sa civil rights ang bantang radikal na mga pagbabago ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Umaasa si Senator Panfilo Ping Lacson na hindi masasagasaan ang civil rights o mga karapatan ng mamamayan ng mga radikal na pagbabago na bantang ikasa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Reaksyon ito ni Lacson sa pahayag ng Pangulo na posibleng magpatupad sya ng radical changes tulad ng deklarasyon ng state of national emergency bilang tugon sa lumalalang antas ng kriminalidad.

Inaasahan ni Senator Lacson na ang mabibigat na hakbang o pagbabagong ipapatupad ni Pangulong Duterte ay nakasentro sa paglutas sa krimen at korapsyon.


Ayon kay Lacson, maaring ito ay sa mas agresibong aksyon ng law enforcement agencies para sa crime prevention.

Paliwanag ni Lacson, ito ay mainam na nakabase sa mas sistematiko at subok ng proseso na naka-angkla naman sa magaling na pangangalap ng intelihensya.

Diin ni Lacson, hindi ito dapat maihalintulad sa shotgun-like approach na tatamaan o tatargetin ang kahit na sino na lang.

Facebook Comments