Manila, Philippines – Umaasa si Antonio Trillanes IV na gagawin ng Makati City RTC Branch 148 ang tama hinggil sa hirit ng Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng warrant of arrest at Hold Departure Order kaugnay sa kasong kudeta ng Senador.
Sa isang panayam, sinabi ni Trillanes na umaasa siyang sa gitna ng pressure ay maging isa si Judge Andres Soriano sa mga taong gagawa ng tama para makabangon ang bayan.
Giit ni Trillanes, sa mga nagdaang hearing, walang testigo ang nagsabi na hindi siya nag-aplay ng amnesty.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapaglabas ng desisyon ang Makati RTC Branch 148 hinggil sa isyu.
Samantala, pinabulaanan naman ng DOJ ang alegasyon ni Magdalo Rep. Gary Alejano na pini-pressure ng gobyerno si Judge Soriano.
ayon kay justice sec. menardo guevarra – hindi nakikipag-ugnayan ang doj jay judge soriano maliban na lang kung may inihahain silang argumento sa “open court”.
aniya, hindi tama na siraan ang integridad at professionalism ng doj at mga state prosecutor.