Manila, Philippines – Unti unti nang bumabalik sa normal ang suplay ng tubig sa mga naapektuhang barangay sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila na naapektuhan bh pagtaas ng turbidity level o ang paglabo ng tubig mula sa ipo dam noong Martes.
Sa inilabas ng Maynilad na service water advisory sa kanilang social media account, kinansela na nito ngayong araw ang implementasyon ng rotational water availability schedules dahil bumaba na ang turbidity level.
Dahil dito, maaari na nilang dagdagan ang production ng tubig mula sa kanilang La Mesa treatment plants upang bumalik sa normal ang maisusuplay nilang tubig.
Payo lamang ng Maynilad sa kanilang mga customer na kapag binuksan ang gripo, hayaan munang bumuhos ito ng ilang segundo hanggang sa luminaw na ang tubig na lumalabas dito.
Patuloy lamang na mag imbak ng tubig dahil nakararanas pa rin ng mga pag ulan na posibleng maging sanhi ng muling pagtaas ng turbidity level mula sa Ipo dam.