UMABOT | 73, naitalang patay dahil sa HIV-AIDS

Manila, Philippines – Aabot sa 73 na ang naitalang nasawi ngayong taon dahil sa sakit na HIV-AIDS.

Itinuturong dahilan ni House Committee on Women and Gender Equality Chairman Bernadette Herrera-Dy ang huli nang pagkakatuklas ng mga indibidwal na may HIV-AIDS.

Aniya, nakakabit kasi ang stigma sa HIV-AIDS dahilan kaya hindi agad nalalaman na may ganitong sakit pala ang isang tao.


Pero, kung agad na natuklasan ng isang tao kung may sakit siyang HIV-AIDS, malaki ang pag-asang mapapahaba pa ang buhay dahil agad itong maisasailalim sa gamutan.

Dahil dito, pinakikilos ni Herrera-Dy ang Department of Health at mga LGUs na ipakalat sa mga Barangay at Workplaces ang impormasyon para sa access, availability at affordability ng HIV-AIDS testing at treatments.

Hiniling din ng kongresista na maging agresibo ang gobyerno at media sa information dissemination tungkol sa HIV-AIDS.

Facebook Comments